Google

Tuesday, April 24, 2007

TAGAYTAY CITY


NA-MISPLACE LANG?
Noong bagong salta ako dito sa maingay na mundo ng Maynila, ang unang itinatanong sa akin, eh kung saan ako probinsya nanggaling. Aba syempre, with pride and chin-up reply, "Batangas po!" Asahan mo, pagkatapos marinig na tubong Ala eh ka, ang follow-up question is, with matching enthusiastic expression, "Talaga? Saan? Tagaytay? Maganda dun!" Aba, kung taga Bauan ka or Rosario ka, eh malamang sasabihin mo ay hinde at malayo po kame dun. Pero, kahet malayong barrio pa pinanggalingan mo, kaakibat na ng pagiging batangueno na alam natin ang Tagaytay City. Pero ikaw, alam mo ba kung saan ang Tagaytay? Aha! Kaya pala hinde ka nagrereact kapag may narinig kang ka-opinisina, kaibigan o kasambahay nagsabi sayo ng "Punta tayo ng Batangas, sa Tagaytay?"


Sino bang magaakala na hinde pala part ng Batangas ang Tagaytay? Eh hello? Sa mga pictures pa lang eh puro Taal Volcano, which is the main tourist attraction in Tagaytay ang pinakikita. Pero, gustuhin man natin angkinin ang tourist spot na ito, HINDE SYA BELONG SA BATANGAS.



Ang pangalang TAGAYTAY ay derived sa two-native-tagalog words, "TAGA" (maragsa) - meaning "cut" and "ITAY" - meaning father. Officially, Tagaytay City is located in the Province of Cavite. Nakagawa na ang lugar ng sariling pangalan at nahiwalay ang sarili na maassociate sa isa pang malamig na lugar sa Pilipinas, ang Baguio. Ito ay dahil na rin sa toursim projects ng gobyerno at hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagdevelop ng lugar as a tourist attraction.

Baket ba gustong gusto natin puntahan ang Tagaytay? Hinde ba risky ito, considering active ang Taal Volcano? Na if ever na pumutok to, tapos nag-eenjoy ka sa Picnic Groove with your family, kahet kasing bilis ka ni Lydia De Vega sa pagtakbo, maabutan ka pa rin ng mga lava. Una, because of breathtaking scenery dito, especially for foreigners who feel enigmatic feeling whenever they see an island and a volcano all-in-one. Pangalawa, malamig ang klima dito. With the average temperature of 22.7 °C. Pangatlo, sobrang lapit lang nya sa Manila, with approximately 56 km south of Manila. Pang-apat, ikaw na yung magsundo kase kung iisa-isahin ko, eh baka nakarating na tayo sa Tagaytay by this time. Pang-lima, wala kang magagawa kundi pumunta at bumisita kung hinde ka pa nakakapunta.

In conclusion, it doesn't matter, really, where Tagaytay belongs, or which province the city claimed. As long as we appreciate that, in our time, right now and right place, we've been blessed with splendid creation of God. And, it is up to us how we will preserve and protect the place, that naturally will bring us meekness and optimism in life.

Sunday, April 22, 2007

Nalilito ka ba?

TARA NA SA BATANGAS!!!

Ikaw ba'y banas na banas na(batangas word for naiinitan) at gusto mong lalong banasin? O gusto mo bang magtampisaw sa malinaw na tubig, maglaro sa puting buhanginan at maglakbay sa kabighabighaning tanawin? Isa lang ang solusyon diyan? Pumunta ka sa BEACH!!! Tuwing nababanggit ang BEACH, bukod sa Boracay, Bohol at Dakak, isa lang ang most likely eh puntahan ng mga tao.... ang BATANGAS. Ngunit sa dami ng tubig sa lugar na ito, aba, nalilito ka na kung saan ka pupunta. Kaya't ibibigay ko sayo ang listahan ng nangungunang Beach Resort para sa akin. I will just give the plus and delta of the specific resort. Ayos ba iyon?

KABAYAN BEACH RESORT




Hindi ko alam kong baket ito ang litrato sa kaliwa pero sa pagkakaalam ko kilala ang Kabayan Beach Resort in offering the best Kayaking Experience. KABAYAN took pride on being one of the pioneer beachest in Batangas, specifically Laiya, San Juan, Batangas. Nagsimula sila noong 1996 (kakatapos ko pa lang ng elementarya sa St. Bridget's College-Batangas). Ang dating pangalan nila ay Laplaya Beach Resort, short name for Laiya Aplaya, na tunay na pangalan ng lugar.


PLUS (+)

  • Mura ang entrance. Ano pa ba hahanapin natin, eh di sobrang affordable na rates. Sa halagang sang-daang piso, pwede ka ng mag-day-tour sa Kabayan. Sa bilang ng 15-20 guests (in excess will be charged 200 pesos per head), may tutulugan ka na sa presyong abot kaya, P5,100.00. Ang isang Dormitory Room ay may laki ng 29-square meter. Air-conditioned, may anim na double deck beds. Kaya kung kapos sa budget, eh 'wag ng mag-inarte. This is the best package for you. Pero kung ma-datong ka naman at can afford yung kaayayang tulugan, makakatipid k pa rin dahil sa halagang P11,000.00, inyong inyo na ang Bahay Camia. Andito na lahat, pera mo na lang ang kulang.

  • Hanep sa amenities ang Kabayan Beach Resort. Mainam na puntahan for company outing, family outing, friends outing at lahat ng klase ng outing na binubuo ng higit sa isang tao. May beach volleyball (P30/hour), Kayak (P200/hour), massage (P300/hour), Billiards (P120/hour), pwedeng mag cove hopping, snokelling, hiking/trekking at playgrounds para sa mga chikiting.

  • Kung facilities naman ang hanap mo, may multi-purpose hall para sa Company Meetings(baket kaya magmemeeting pa? Kill joy masyado. But at least, Kabayan anticipated the needs of Company Employer, because they're the one who is much able to pay.), may Gardens and Aviary para sa mga taong pumunta ng beach pero ayaw maligo dahil baka daw sila mangitim (malamang!), may El Kapitan Bar (di applicable ang bar hopping, san ka maghohop? eh, sila palang may Bar dun), at higit sa lahat may Chapel para sa quiet moment ng mga madasaling Pilipino.
DELTA (-)

  • Sa dami ng sinabi kong PLUS ng Kabayan, iisipin nyong wala na atang kapintasan ang resort na ito. Akala nyo lang yun. Baket may bayad ang swimming pool? (P100/head) Aba, beach kaya yan, which is great for summer getaway. Although, di lahat ng beach may swimming pool, pero balato na laang 'yun sa mga bisita.

  • Dalawa lang ang lifeguards. Sympre, safety first! Pero kung kasing pogi naman nina David Hasselhoff at Jeremy Jackson yung dalawang lifeguards, baka pwede pang pumasa. Anyway, in the beach, everyone's should be responsible and has an obligation to look after those people around you, regardless if you know each or not.


BLUE CORAL BEACH RESORT

Sino ang di nakakakilala sa Blue Coral Beach Resort? Bukambibig ito ng mga taong gustong magrelax sa beach. Walang tulong na ginawa ang technology para maging kulay bughaw ang tubig na nakikita nyo sa litrato. Ito na ata ang nakikipagsabayan sa magagandang beach ng Boracay, Bohol at Palawan. No one can deny the hospitable services offered by the resort and of course, the flambouyant amenities you've only watched on TV.

PLUS (+)

  • Nanonood ka ng MTV, nakita mo yung mga beach sa Miami, and yung mga amenities ng mga hotel dun. Wow. Breathtaking sa ganda. Itanong mo sa sarili mo? Kelan kaya ko mkakarating dun? Pwes, worry no-more! Pumunta ka sa Blue Coral Beach Resort. Hindi maitatatwa ang ganda ng amenities ng resort na ito. May anim na klaseng room na pwedeng pagpilian. Kung hinde mo pa nagagamit ang salitang "COZY" sa buhay. After the Blue Coral experience, wala ka ng alam na expression kundi "Ala eh, pagka-cozy!" Currently, Blue Coral has 19 solely furnished rooms. And again, andun na lahat. Anda (e.i. pera, datong, money, lapad) na lang ang kulang.

  • Malake ang chance na makadaupang-palad ang mga famous personalities. Dahil sa serenity and peacefulness ng lugar, brought by the tranquility of the blue water, puntahan talaga ito ng mga artista. Sina Pauleen Luna, Maureen Larazabal, Mark Herras, Ara Mina at ang buong cast ng Bubble Gang ay minsan ng nagpunta dito.

  • Maraming beach and water activities ang pwedeng gawin gaya ng Kayaking, Jet Skiing, Snorkelling, Speedboat, Banana Boat, Pedal Boat at ang walang kakupas-kupas na Bangka-ing(wala lang, round trip habang nakasakay sa bangka).


DELTA(-)

  • Mukhang alam nyo na ang delta ng resort na ito. Eh hinde ko minemention ang rates. Aba, hulaan mo? May kamahalan ang rates ng Blue Coral Beach Resort. What do you expect? Eh hinde mo masasabi ang expression na "Ala eh, pagka-cozy," ng hinde nababawasan ang savings mo sa bangko. Experiencing the Miami-ambiance, the cost is so worth it. However, kelangan maghintay ng kaunti na ma-increasan ng sweldo, kumita sa negosyo at maghulog ng 10-peso-coin sa piggy bank bago ma-afford ang extravagant relaxation na ito. Ito ang dahilan kung baket bukambibig lang ito ng mga tao, pero ang totoo hinde pa sila nakakarating doon.


NI HAO ANILAO!!!

Ang lagay ba eh ay puro fun na lang ang dahilan natin sa pagpunta sa Batangas? Sympre, kasama na rin ang environment appreciation, enthusiastic adventure and propitiousness of being in the Islang Philippines.

Hinde lang sa Roxas Blvd. makikita ang magandang paglubong ng araw. Dito sa Anilao, Batangas, paboritong kodak moment ng mga photographer ang sunset. Ngunit, habang nagdidiwang ang mga photographer, nalulungkot naman ang mga gustong mag snorkelling. Also, Anilao is well-known as a dive site. In fact, it is included in the Top Ten Dive Site in the Philippines.

Sa ngayon, may 24 dive sites sa Anilao alone. Lahat na klaseng pagdive eh gawin mo na dito; scuba diving, wreck diving, drift diving at kung ano ano pa.

How about the various scenic underwater species? Sobrang magaganda silang lahat, na parang di ka makapaniwala na "for real" yung mga pictures na nakita mo sa Groiler Encyclopedia nung nag-aaral ka pa at sa Discovery Channel, noong finally makapagpakabit na kayo ng CAT-V.

Wala akong maisip na plus/delta dito kase hinde ko forte ang diving at snorkelling. Nevertheless, I appreciated and astonished with the idea, of possibility that those fishes, coral reefs and other underwater species I saw in my encyclopedia, were shot in Anilao, Batangas.

Ekspression!!!

Diksyunaryo101

1) Lumiban - Nagatungo ng Maynila sina Kurdapiya at ang kanyang Ina. Hangos na hangos na lumiban ang mag-ina ng makita nila ang paparating na trak sa kalsada. PED XING!!!

2)Mag-agwanta - "Ikaw nga eh mag-agwanta na laang sa hawot at kape."

3)Shade - Ito ung pinagbabaan o palatandaan kung san ka baba ng jeep. Malilom sa lugar na ito. In short, waiting shed. "Para na nga diyan sa shade." Ayos ah!!!

4)Maghuntahan - Ito ang karaniwang ginagawa ng mga tsismosang kababaihan habang gumagawa ng tamalis at suman.

5)Ulaga - tawag sa taong a-anga-anga at aligaga. Ito ay nasa pagitan ng pagiging eng-eng at tanga.

6)Salape - ito ang tawag sa lumang 50 cents na medyo madilaw ang kulay. Ginagamit din itong token sa paglalaro ng arcade sa SM dahil kasing-sukat ito ng salape. Kaya ngayon, card na ginagamit sa mga video arcade.

7)Ginagalaw - kapag ang isang lalake ay binibiro/matching sa isang babae or vice versa. Silang dalawa ay naggagalawan.

8)Mayon - ito ang tawag sa likido na ginagamit sa pagprito ng isda, itlog, at kung ano ano pa. See Mantika.

9)Magtungga - kapag ang isang bata ay inutusang mag-igib ng kanyang nanay, kelangan nyang magtungga sa labasan ng kanilang bahay, kung saan andun ang poso at mga batya.

10)Patulad - sinasabi ng mga estudyanteng hinde nagaral o gumawa ng takdang aralin sa kapwa estudyante na nakapagreview o nakagawa ng homework.

Ugaling Batangueno!!!




Ano ba ang Ugali ng Isang tubong Batangas? Malay ko! Taga Batangas ga ako? Hindi Kaya!!! Isa lang ang masasabi kong ugali ng isang batangueno na tunay na maipagmamalaki. Ang pagiging matapang. Ibang tapang ang kanilang tangan sa kanilang mga puso at kaluluwa. Tapang na hinubog ng pananaw, pananampalataya at sympre ang lapas-tao-na-lakas-ng-loob. Minsan, dala na ng pagiging isang batangueno kung baket nagagawa ang mga bagay na di mo inaasahang iyong magagawa. Psychological kumbaga!!!

Aring blog na ari ay ginawa hindi para dungisan ang pangalan ng mga batangueno. Ang hangad nito'y mabigyan ng sapat na dahilan ang mga tao, hinde lamang ng mga tubong batangas, mga napadpad sa batangas at nagfefeeling na batangueno, na pagnilaynilayan ang isang katangiang tunay na maipagmamalaki at gamitin ito sa paglalakbay sa magulong mundo ng showbis, kasama na rin ang buong mundo. Yun nga palang litrato sa itaas ay kuha sa Lobo, Batangas.

Ang lahat ng tao, PAG NAKITA MO ANG SITE NA 'TO AT NAPAGTANTO MO NA HINDE KA PALA BATANGUENO, WAG KANG MAGALALA, kasama ka sa mga nagfefeeling na batangueno.

Maaari kayong magkomento o magbigay ng suggestion(di ko lam tagalog) sa author ng blog na ito.


Google